Kathryn Bernardo, nag-react na; Panlalait sa aktres, itinanggi ni Xander Ford

Manila, Philippines – Naging simple ang mensahe ng aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang social media account kaugnay sa isyu ng cyber bullying.

Ito ay matapos bumulaga sa social media ang isang kontrobersiyal na video umano ni Xander Ford na tinawag na sakang ang aktres.

Bagama’t naglabas na ng official statement ang kampo ni Xander Ford na hindi raw ito ang gumawa at nagpakalat ng nasabing video, dagsa pa rin ang post ng mga galit na Kathniel fans sa social media laban sa binata.


Naglabas din ng sama ng loob ang ina ng aktres na si Min Bernardo kaugnay sa mga pambabash na natatanggap ni Kathryn.

Nagpasalamat naman ito sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa anak.

Facebook Comments