Kathryn Bernardo, nagpaayos nga ba ng ilong?

“It’s all natural”

Ganito ang naging sagot ng aktres na si Kathryn Bernardo sa usap-usapang nagpaayos ito ng kanyang ilong.

Ayon sa aktres, madalas siyang napagkakamalan na nagparetoke na hindi naman niya ginawa.


Sinuportahan naman ng kanyang aesthetic doctor ang pahayag ng aktres kung saan ipinaliwanag nito na kapag pumapayat ang tao ay mas lumalabas ang tunay na facial features nito.

Bagama’t walang problema ang aktres sa mga taong sumasailalim sa aesthetic surgery, inamin din ni Kathryn na wala siyang balak na magpaayos pa ng mukha.

Facebook Comments