Katiting na dagdag-sahod sa Gitnang Luzon, insulto sa mga manggagawa, ayon sa isang labor group

Mariing kinondena ng Alyansa ng Manggagawa sa Bataan – Workers for People’s Liberation (AMBA-WPL) ang ipinatupad na Wage Order No. RBIII-26 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Gitnang Luzon na nagtatakda ng dagdag-sahod na P20, epektibo sa Oktubre 30 at karagdagang P30 naman sa Abril 16, 2026.

Ayon sa AMBA-WPL, insulto sa mga manggagawang patuloy na nahihirapan sa mataas na presyo ng mga bilihin, kuryente, at pamasahe ang paunti-unting dagdag-sahod.

Giit ng grupo, hindi sapat ang P50 umento na ipatutupad pa sa loob ng halos isang taon upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa sa rehiyon.

Binigyang-diin ng AMBA-WPL na patunay ito ng kabiguan ng RA 6727 o Wage Rationalization Act na tunay na magtaas ng antas ng pamumuhay ng mga manggagawa.

Panawagan ng grupo ang pagbabasura ng nasabing batas at ang pagpasa ng National Legislated Living Wage upang matiyak ang makatarungan at nakabubuhay na sahod para sa lahat ng manggagawa sa bansa.

Tiniyak naman ni Atillo na puspusan na ang koordinasyon at pagtutulungan ng DepEd, DRRM Coordinators, mga engineers, Department of Public Works and Highways, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Local Government Units, at iba pang mga katuwang na volunteers upang mapabilis ang pagsasagawa ng Rapid Damage Needs Assessment (RDNA).

Facebook Comments