Katiwala na Wanted sa Batas, Arestado!

Cabagan, Isabela- Nahaharap sa kasong Homicide ang isang lalaking katiwala matapos madakip bandang alas otso trenta kaninang umaga sa Brgy. Magassi, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Francisco Palogan, kwarentay kwatro anyos, isang katiwala at residente ng nasabing barangay.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, si Palogan ay dinakip ng PNP Cabagan sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kaso nitong Homicide.


Hawak na ng PNP Cabagan si Palogan at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang isangdaan at dalawampung libong piso.

Facebook Comments