KATIWALIAN | Congressman Baguilat, isinailalim sa Conditional Arraignment matapos maghain ng not guilty plea sa kasong kinakaharap sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Isinailalim sa Conditional Arraignment si Ifugao Rep. Teddy Baguilat ng Sandiganbayan 5th Division.

Si Baguilat ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong katiwalian dahil sa umano’y pagbili ng sasakyan na overpriced na hindi dumaan sa bidding noong gobernador pa ito ng Ifugao.

Kinakailangan naman ang conditional arraignment bilang kondisyon sa pagpayag ng korte na makapag-abroad ang kongresista.


Bago ito ay naghain si Baguilat ng not guilty plea ng basahan ng sakdal para sa kasong katiwalian.

Samantala, inaprubahan naman ng 5th division ang motion to travel abroad ni Baguilat mula April 6 hanggang 15 patungong Berlin, Germany.

Dadalo ang kongresista sa study visit program sa Berlin kasunod ang pagbisita sa Filipino Community sa Netherlands.

Facebook Comments