Manila, Philippines – Iginiit ni Vice President Leni Robredo na lahat ng kandidato ay apektado sakaling totoo ang ibinunyag ni Senador Tito Sotto na nagkaroon ng dayaan noong 2016 elections.
Ayon kay Robredo, kapag kinuwestyon ang integridad ng election 2016, kinukwestyon din ang pagkapanalo ng lahat ng pinagbotohang posisyon.
Dapat aniya itong imbestigahan sa lalong madaling panahon pero dapat independent body ang gagawa nito.
Kasabay nito, ikinalungkot din ni Robredo ang nangyayari kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang pagsasapubliko ng away sa loob ng institusyon.
Umaasa ang bise presidente na maayos na ang gusot at umusad na ang impeachment proceedings.
Facebook Comments