
Inihalintulad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang major surgery o operasyon ang kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian.
Ayon sa pangulo, matagal nang may “cancer” ang sistema kaya masakit at madugo ang proseso ng pag-aayos.
Normal aniya na magkaroon ng “pagdurugo” habang tinatanggal ang mga maling gawain at tiwaling ugali na nakabaon sa burukrasya nang higit tatlong dekada dahil bahagi raw ito ng pagpapagaling ng bansa.
Naniniwala naman ang pangulo na kakayanin ng mga Pilipino na makabago at magiging magaan ang takbo ng pamahalaan kapag natanggal na ang ugat ng problema.
Limitado aniya ang oras para tapusin ang reporma, pero handa ang gobyerno na magtrabaho nang 24/7 para tuluyang gumaling ang bansa mula sa “cancer” ng katiwalian.
Facebook Comments









