Katiwalian sa importasyon ng baboy, pinapa-imbestigahan sa Senado

Hiniling ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na imbestigahan sa Senate Committee of the Whole ang ibinunyag niya na may taga-Department of Agriculture (DA) umano na kumokolekta ng “tongpats” na ₱5 hanggang ₱7 sa bawat kilo ng inaangkat na baboy.

Sabi ni Lacson, tiyak ang magiging pakinabang ng sindikato sa DA sa rekomendasyon ng ahensya na ibaba ang taripa sa inaangkat na pork products at taasan ang minimum access volume ng imported na baboy dahil sa African Swine Fever o ASF.

Ayon kay Lacson, kapag natupad ang rekomendasyon ay maaaring makalikom ng ₱4 billion hanggang ₱6 billion na “tongpats” ang mga masusuwerteng tiwali sa loob ng DA.


Target ng isinusulong na pagdinig ni Lacson na mahubaran ng maskara ang nasa likod ng nabanggit na “tongpats” sa importasyon ng baboy.

Umaasa rin si Lacson na aatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Anti-Crime Commission na imbestigahan ang nabanggit na korapsyon.

Facebook Comments