Katok-Bahay, Sorpresa Trabaho ng DZXL Radyo Trabaho, muling aarangkada sa lungsod ng Pasay

Muling mag-iikot ang DZXL Radyo Trabaho sa lungsod ng Pasay ngayong araw.

Ito’y para sa “Katok-Bahay, Sorpresa Trabaho” promo kung saan apat na barangay sa Pasay City ang bibisitahin ng DZXL Radyo Trabaho.

Partikular na pupuntahan ng Radyo Trabaho team sa pangunguna ni Mama Lou at Kuya Glenny ay ang Brgy. 130, 132, 133 at 135.


Iikot at kukunin ng Radyo Trabaho Team ang mga resume ng mga indibidwal na naghahanap ng trabaho upang ihanap sila ng swak na trabaho.

Bukod sa personal na serbisyo ng DZXL Radyo Trabaho, may sorpresa rin ang ilang indibidwal na mapipili sa mga barangay na mabibisita.

Layunin rin ng Katok-Bahay, Sorpresa Trabaho ay kilalanin ang mga nagawang proyekto ng opisyal ng mga barangay at malaman ang kanilang programa para sa mga residente.

Sa mga naghahanap naman ng trabaho, manatili lamang nakatutok sa mga programa ng DZXL Radyo Trabaho at abangan ang iba’t ibang job openning na inaanunsiyo.

Maaari ding magtungo ng personal sa DZXL Radyo Trabaho sa 4th Floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Pwede ring magpadala ng updated resume sa dzxlradyotrabaho@gmail.com o tumawag sa 8882-2370 para sa ibang impormasyon at katanungan.

Facebook Comments