“Katok Bahay, Sorpresa Trabaho” ng DZXL Radyo Trabaho, susugod ngayong umaga sa mga barangay sa Caloocan

Susugod ngayong umaga sa Caloocan City ang DZXL Radyo Trabaho Team para sa “Katok Bahay, Sorpresa Trabaho” ng DZXL Radyo Trabaho na inyong gabay sa hanapbuhay.

Tayo ay kakatok sa mga tahanan dyan sa Barangay 14 South Caloocan, Barangay 28 Maypajo, at Barangay 35 Maypajo.

Ihanda na ng mga residente sa mga nabanggit na barangay ang kanilang mga updated resume o biodata at kami mismo ang lalapit sa inyo para tulungan kayo na makahanap ng trabaho.


Sa ating pag-iikot ay mamimigay rin tayo ng exclusive Radyo Trabaho mug at calendar sa mga maswerteng residente.

Pero bago kami mag-ikot ay magko-courtesy call muna ang Radyo Trabaho team sa tatlong barangay at mangangamusta sa kanilang mga programa at proyekto para sa kanilang mga nasasakupan.

Nitong Miyerkules, naging mainit naman ang pagtanggap ng Barangay 8, 12 at 73 sa ating Radyo Trabaho team.

Facebook Comments