Katorse anyos na kasama ni Carl Angelo Arnaiz, hindi pa rin matagpuan

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Acosta na nawawala pa rin ang katorse anyos na binatilyong huling kasama ni Carl Angelo Arnaiz, ang 19 anyos na sinasabing napatay ng mga pulis ng Caloocan City.

Ayon kay Acosta, ang naturang binatilyo ang kasama ni Arnaiz nang mawala ito sa loob ng sampung araw hanggang sa matagpuang patay sa morgue.

Sinabi ni Acosta na hirap din silang makakuha ng kopya ng CCTV footage ng pagpatay kay Arnaiz hindi aniya tulad ng nangyari kay Kian Loyd delos Santos kung saan na-preserve agad nila ang CCTV footage.


Ayon pa kay Acosta, iniimbestigahan na rin nila kung may iba pang mga pulis ang sangkot sa krimen bukod kina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.

Hindi pa rin matukoy ng PAO ang pangalan ng katorse anyos na missing dahil bagong lipat lamang ito sa lugar nina Arnaiz sa Cainta, Rizal.

Facebook Comments