Katorse Anyos sa Cordon Isabela. Timbog sa Pagtutulak ng Marijuana!

11

Cordon, Isabela – Timbog sa pagtutulak ng marijuana ang isang katorse anyos na lalaki matapos ang isinagawang drug buy bust operation ng kapulisan kagabi sa Barangay Turud Sur, Cordon Isabela.

Kinilala ang menor de edad na si Augusto Salvador, residente ng Brgy. Caloocan, Santiago City kung saan ay naaktuhang nagbebenta ng marijuana sa nagpanggap na buyer na isang alagad ng batas.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang marked money sa ibinenta na isang nakabalot na marijuana.

Nasa himpilan na ng PNP Cordon si Salvador para sa dokumentasyon upang maipasakamay sa DSWD.

Samantala ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng Cordon Police Station at Drug Enforcement Unit.

Facebook Comments