Katotohanan sigaw sa nangyari sa Kilada Matalam- MILF BIAF

Maging kalmado at irespeto ang nagpapatuloy na gumagandang usaping pangkapayapaan!

Ito ang panawagan ni BIAF MILF Spokesperson Von Alhaq sa publiko lalong lalo na sa mga myembro at mga kaanak ng mga nasawing Bangsamoro Islamic Armed Forces sa operasyon ng mga otoridad sa barangay Kilada Matalam North Cotabato madaling araw noong May 26.

Kaugnay nito umaasa ang pamunuan ng BIAF na lumabas ang katotohanan sa nangyaring insidente na nagresulta sa pagkakapaslang sa 9 na myembro ng 105 th base command. Kinilala nito ang mga nasawi na sina Dadting Hassan Deputy Brigade Commander , Muhamidin Hassan, Konne Hassan, Burrah Salping, Muhalidin Salping, Tiyo Mantik, Orom Mantis, Deng Malunok at isang nakilala lamang Abu.


Nakatakda namang maghain ng strong protest ang liderato ng BIAF MILF sa tulong na rin ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) at IMT.

Matatandaang pasado alas onse ng gabi ng May 25 ng magsagawa ng search warrant operation ang mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad na inisyu ni Judge Alandrex Betoya ng Regional Trial Court Branch 16.

Target ng operasyon sina Dadting Kasan at Intan Aban na di umanoy sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Matapos ang operasyon walang SHABU ang nakuha sa lugar bagkus mga baril lamang na pagmamay ari ng mga nasawi na kinabibilangan ng 2 Barret rifles, 2 M14 rifles, Garand rifle, rocket propelled grenade (RPG) launcher, 2 .45 caliber pistols at 2 single-shot handguns.

GOOGLE PIC

Facebook Comments