Katutubo ng Amazon, sinabing sadya ang sunog sa kagubatan

Screenshot via Sunrise Movement

Ipinahayag ng isang katutubong babae na sinadya ang pagkakasunog sa Amazon Rainforest, Brazil.

Ang Amazon Rainforest ay tinaguriang “The Planet’s Lung” o pinakamalaking kagubatan sa buong mundo na may sukat na kalahati ng laki ng buong Estados Unidos.

Nitong Huwebes ng umaga, sumiklab ang galit at pagkadismaya ng mga netizen matapos mabalitaan na ang kagubatan ng Amazon ay nasusunog na sa loob ng 16 na araw.


Sa higit dalawang linggo ay walang naiulat ang media at naging tahimik ang mga politiko ukol dito.

Ayon sa isang katutubo ng Amazona, na sinadya ito ng isang malaking kumpanya ng langis.

“For 2 years we’ve fought to preserve [our reservation] and these assh*les came in and burned it down,” aniya.

“They are killing our rivers, our sources of life, and now they have set our reserve on fire. Tomorrow we are closing the roads and I want all the media here to see this,” dagdag ng katutubo.

Inakusahan naman ang bagong presidente ng Brazil na si Jair Bolsonaro dahil sa pananahimik nito sa patuloy na sunog sa Amazona.

Hinala ng mga environmental activist na negosyo ang motibo sa likod nito upang maangat ang ekonomiya ng Brazil.

Ayon sa World Wildlife Fund, kapag tuluyang nasunog ang Amazon Rainforest ay magiging tuyong sabana na lamang ito ay hindi na maibabalik ang tropikal na kagubatan.

Naninirahan dito ang hindi mabilang na klase ng hayop at mga katutubong tao na taga-Amazona.

Nagbibigay din ang kagubatan ng 20 porsyento ng kabuuan ng oxygen sa buong mundo.

Nangangamba naman ang mga eksperto ang malaki at masamang dulot nito sa climate change na sanhi ng greenhouse effect na bumubutas sa ozone layer ng atmospera.

Facebook Comments