Katutubong Agta, Biniyayaan ng Fiber Glass Bangka ng LGU Ilagan

148

Cauayan City, Isabela- Nabiyayaan ng Livelihood Assistance Program ang Agta Community sa Brgy. Cabisera 10, City of Ilagan na mula sa Lokal na Pamahalaan ng Ilagan.

Batay sa social media post ni City Councilor Jayve Diaz, tinatayang nasa P300,000 ang halaga ng limang (5) fiber glass bangka at lambat na tiyak na magagamit ng mga agta sa kanilang pamumuhay.

Tiniyak naman ng Lokal na Pamahalaan ang tuloy-tuloy na pagtulong sa komunidad lalo pa’t patuloy na nakikipaglaban ang lahat kontra COVID-19.


Katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sektor ng Indigenous People ay makakatugon ang nasabing programa sa mga katutubong agta sa siyudad.

Facebook Comments