KATUTUBONG AGTA SA BAYAN NG SAN MARIANO, BINIGYAN NG TULONG

CAUAYAN CITY – Tuwa at pag-asa ang hatid ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company dahil sa isinagawang PNP Outreach Program na ginanap sa San Mariano, Isabela.

Sa nasabing programa, nabigyan ng grocery package ang ilang katutubong Agta mula sa hanay ng kapulisan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Nagdulot din nang saya ang pagpapakitang gilas ng mga Agta sa kanilang pagtatanghal ng traditional ethnic dance.


Layunin ng programa na tulungan ang mga IP’s na maitaguyod ang kanilang pamilya at mabigyan ng suporta tungo sa kaunlaran.

Katuwang ng 1st IPMFC ang National Commission on Indigenous People (NCIP) – Isabela, LGU San Mariano, Department of Agriculture, Philippine Army, mga opisyales ng barangay, religious groups, National Coalition Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers.

Facebook Comments