Katy Perry, banned sa China

China – Hindi na papayagang makapasok sa China ang singer na si Katy Perry.

Pinatawan na kasi siya ng indefinite ban matapos ang kontrobersyal nitong 2015 concert kung saan ito ay nagsuot ng Taiwanese flag.

Bukod pa dito, lalo pang nagpasiklab ng isyu ang pagsusuot nito ng sunflower gown na nagsisimbolo ng sunflower student movement na nagpoprotesta sa Chinese Trade Agreement noong 2014.


Kasama sana sa Victoris Secret Fashion Show ang 33-anyos na pop diva sa susunod na linggo pero na-deny ang kaniyang visa matapos ang insidente.

Facebook Comments