Kinuwestiyon ni Aksyon Demoktratiko at Dating Caloocan District Representative Edgar Erice, ang kaugnayan ng isang construction company sa joint venture ng Commission on Election (Comelec) at Miru Systems Company Inc., para sa 2025 automated elections.
Pinagtataka umano ni Erice, kung ano ang gagampanan ng isang construction company sa halalan lalo’t wala namang kaugnayan ang St. Timothy Construction Corporation sa eleksyon.
Iginiit din ng opisyal na hindi kakailanganin ang naturang joint venture dahil mapanganib umano ang sistemang gagamitin ng Comelec para sa 2025 midterm elections na nagkakahalagang P17.9 billion.
Una nang naghain ng petisyon si Erice na maglabas ng TRO o Writ of Injunction ang Korte Suprema upang pigilan ang joint venture ng Comelec at Miru.
Ito’y matapos linawin ng Supreme Court na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang poll body nang hindi payagan ang Smartmatic na makalahok sa bidding.
Dagdag pa ni Erice, sa sandaling makatanggap siya ng tugon sa inihaing petisyon ay hihilingin niya sa Korte Suprema na magsagawa ng demo ang poll body sa harap ng mga mahistrado at publiko.