KAUNA-UNAHANG AIRCONDITIONED WAITING SHED SA PANGASINAN, MATATAGPUAN SA BAYAN NG MAPANDAN

Isa sa mga pangunahing problema ng mga commuter ang matinding init habang nagaabang ng masasakyan. Sa bayan ng Mapandan, isang makabago at komportableng solusyon ang inilunsad—ang kauna-unahang airconditioned waiting shed sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ang waiting shed na ito, itinayo sa harap ng plaza at munisipyo ng Mapandan, ay pinasinayaan noong Disyembre 20. Layunin nitong magbigay ng mas maayos at komportableng waiting area, partikular para sa mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga estudyanteng naghihintay ng masasakyan.

Ayon kay Marites Garcia, isang dispatcher ng modernized bus na bumibiyahe mula Mapandan patungong Dagupan, malaking tulong ang pasilidad na ito sa mga pasahero.

Sa ngayon, hindi pa operational ang naturang waiting shed dahil hindi pa nakakabit ang mga solar panels na magsisilbing pangunahing pinagmumulan ng kuryente nito.

Ayon kay Jeffrey Serapion mula sa Public Order and Safety Office, inaasahang magagamit na ito sa Enero kapag naisakatuparan na ang paglalagay ng solar panels. Ang proyekto ay katabi rin ng terminal ng modernized bus, na magpapadali sa biyahe ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments