Europe – Isang panibagong imbensyon na perfect sa mga taong tinatamad mag-sipilyo ang inilabas ng kilalang toothpaste manufacturer sa Europe.
Tinawag itong Amabrush – ang kauna-unahang automatic toothbrush sa buong mundo.
Isinusuot ang Amabrush na parang rubbery mouth-guard at sa pamamagitan ng maliit na handpiece, magpo-produce ito ng vibration at mayroon itong micro-pump na otomatiko namang nagpo-produce ng toothpaste.
Mayroon din itong antibacterial silicone na pumapatay ng 99.99 percent ng bacteria.
Commercially available ang Amabrush sa December sa halagang 90 dolyar o katumbas ng higit apat na libong piso!
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments