Kauna-unahang babaeng ambassador ng Czech Republic sa Pilipinas, nagtapos na ang tour of duty

Courtesy: Czech Embassy Manila Facebook page

Nagtapos na nitong weekend ang tour of duty ng kauna-unahang babaeng ambassador ng bansang Czech Republic sa Pilipinas na si Jana Sediva-Treybalova.

Matatandaan na nagsilbing kinatawan ng Czech Republic sa Pilipinas si Sediva ng higit apat na taon.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naiproseso nito ang pag-repatriate ng mga stranded na Czech nationals sa Pilipinas at natulungan ang libo-libong katao.


Sa ilalim rin ng kanyang liderato ay nalagdaan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Czech Republic at Pilipinas sa larangan ng defense cooperation, pagpapalakas ng trade at investment, at lalong pinagtibay pa ang people-to-people ties sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kasalukuyan ay limang dekada na ang diplomatic relations sa pagitan ng Czech Republic at Pilipinas.

Facebook Comments