Binuksan kahapon, October 15, ang kauna-unahang bagsakan market sa Bautista tampok ang mga lokal na produkto ng mga magsasaka at negosyante sa bayan.
Sa unang araw palang ng aktibidad, tinangkilik na ng mga mamimili ang hilera ng mga nakalatag na kalakal sa pamilihang bayan.
Bukas ang bagsakan market mula alas-4 hanggang alas-7 ng umaga at alas-5 hanggang alas-10 ng gabi.
Ayon sa lokal na pamahalaan, matagal nang mithiin ng mga residente ang magkaroon ng sariling bagsakan na dati ay matatagpuan pa sa kabilang bayan.
Samantala, hinimok naman ng tanggapan ang publiko na makiisa at suportahan ang ang sarili at lokal na produkto ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









