Kauna-unahang bakuna kontra bird flu, inaprubahan na ng FDA

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang kauna-unahang bakuna laban sa avian influenza o bird flu sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang nasabing bakuna ay nagbibigay proteksyon laban sa H5N1 bird flu at velogenic Newcastle disease, dalawang delikado at mabilis kumalat na sakit sa mga manok at ibang klase ng ibon.

Ang H5N1 ay kilala bilang pinaka-agresibong uri ng bird flu na may mataas na mortality rate at maaari ring makahawa sa tao.

Samantala, ang velogenic Newcastle disease ay isa rin sa pinaka-delikado at nakamamatay na sakit sa mga poultry animal.

Itinuturok ang bakuna sa dibdib o sa ilalim ng balat ng mga sisiw na may edad na sampung araw pataas. Kailangan ng sampu hanggang 14 na araw para maabot ang full immunity.

Facebook Comments