Tuesday, January 20, 2026

Kauna-unahang BARMM Elections, ipinatatakda sa March 2026

Isinusulong ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na itakda sa March 2026 ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa Senate Bill 1587, pinaaamyendahan dito ang Republic Act 11054 o ang Bangsamoro Organic Law (BOL) at ipina-re-reset ang BARMM elections sa March 30, 2026.

Tinukoy ni Zubiri na ang kapangyarihang mamili ng mga lider ay napakahalaga para sa sariling pagkakakilanlan at sariling pamamahala ng rehiyon.

Ayon kay Zubiri, higit anim na taon na mula nang maitatag ang BARMM at ang mga mamamayan ng Bangsamoro ay kailangang i-exercise ang kanilang kapangyarihan na maghalal ng mga sariling lider.

Binigyang-diin pa ng senador na itinutulak niyang maaprubahan ang panukala para sa kauna-unahang parliamentary elections ng BARMM sa Marso ngayong taon upang may mandato ng batas ang kauna-unahang halalan sa rehiyon.

Facebook Comments