Kauna-unahang bigtime oil price rollback ngayong taon, ipinatupad ng mga kumpanya ng langis

Nagpatupad na ang ilang kumpanya ng langis ng malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Kaninang alas-12 ng hatinggabi, tinapyasan na ng Caltex ng P11.45 ang presyo ng kada litro ng kanilang diesel, P5.45 sa gasolina at P8.55 sa kerosene.

Habang kaninang alas-6 ng umaga nagpatupad ng kaparehong bawas presyo ang mga kumpanya ng Shell, Seaoil, Petron, Flying V at Jetti Fuel.


Ganito rin ang ibinawas ng Petro Gazz, Total, PTT Philippines at Phoenix Petroleum maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Nasa P11.50 naman ang ibinaba ng diesel sa Eastern Petroleum.

Samantala, mamayang alas-8 pa ng umaga magpapatupad ng rollback ang Cleanfuel.

Ito ang unang bigtime rollback na ipinatupad ng mga oil companies matapos ang 11 lingo na sunod-sunod na taas presyo.

Mula noong pumasok ang 2022, umabot na sa P30.65 ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P20.35 naman sa kada litro ng gasolina.

Facebook Comments