Kauna-unahang bilateral relations ni Pangulong Duterte at US President Trump, naging matagumpay

Manila, Philippines – Nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump na hindi pakialaman ang panloob na problema o usapin ng bawat isang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa bilateral meeting ni Pangulong Duterte at Pangulong Trump ay binigyang diin ng dalawa ang pagpapahalaga sa pag-galang sa kalayaan ng bawat isa bilang isang bansa na malaya mula sa panlabas na pangingialam o external interference.

Sinabi din ni Roque pinagtibay pa nila Pangulong Duterte at Pangulong Trump ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ng Amerika kung saan tiniyak aniya ni Trump na maituturing ng Pilipinas na kaibigan ang USA.


Hindi naman aniya natalakay ng dalawa ang usapin sa Human Rights sa Pilipinas pero kabilang naman sa tinalakay ay ang problema ng Pilipinas sa Iligal na Droga kung saan kita naman na naiintindihan ni Trump ang kinakaharap na problema ng Pilipinas sa iligal na droga.

Natalakay din aniya ng dalawang lider ang trade sa pagitan ng dalawang bansa kung saan lumutang aniya ang pangangailangan ng pagkakaroon ng Free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at US kung saan sinabi aniya ni President Trump na pagaaralan ang usapin.

Nagpasalamat din naman si Pangulong Duterte sa tulong na ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas sa paglaban sa Maute ISIS sa Marawi City.

Facebook Comments