Kauna-unahang “black cocaine” na gawa sa Pilipinas na inihahalo sa biskwit at tsokolate, nakumpiska ng NBI sa isang Ugandan national na miyembro ng West African syndicate

Nabisto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kauna-unahang black cocaine na ginagawa rito sa Pilipinas.

Ito ay mahirap matukoy dahil inihahalo ito sa regular na black cookies.

Ito ang lumitaw matapos na salakayin ng NBI ang apartment ng Ugandan national na si Benjamin Musoke na nag-ooperate na isang lihim na laboratoryo sa Dasmarinas, Cavite.


Nagkalahalaga ng P20 million ang nasamsam na mga black cocaine.

Ayon kay Atty Ross Jonathan Galicia, task force commander ng National Bureau of Investigation – Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID), modus ng sindikato na gamitin ang packaging ng mga kilalang brand ng mga regular na cookies na ginagamit na pasalubong.

Dahil dito, hindi ito napapansin kapag ininspeksyon na sa mga paliparan.

Kapag napasakamay na ito ng mga costumer ay ini-extract ang cookies upang makuha ang black cocaine.

Kasama sa arestado ay si Marissa Eusebio na recruiter ng mga courier o drug mule na nagpupuslit ng black cocaine sa labas ng bansa gaya ng Hongkong.

Karamihan sa mga nare-recruit ay mga jobless o walang trabahong mga Pinoy.

Babala ni Galicia sa publiko, huwag mahihikayat na maging mule o carrier ng black cocaine sa halip ay makipagtulungan sa mga awtoridad para isumbong ang ganitong illegal na aktibidad.

Facebook Comments