KAUNA-UNAHANG CANCER MASS TESTING, ISINAGAWA SA QUIRINO

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang isinagawang kauna-unahang cancer mass testing sa buong bansa, na ginanap sa Water Sports Complex sa Probinsya ng Quirino.

Umabot sa 162 ang nabenepisyuhan ng nasabing programa na inilunsad ng Genelab PH, katuwang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD).

Watch more balita here: ILANG BARANGAY SA CAUAYAN, APEKTADO NG SCHEDULED POWER INTERRUPTION AT PRESYO NG PINYA SA MERKADO, NANANATILING MATAAS


Ang Cancer Warrior PH Campaign – Batch 1 ay pinangunahan nina Governor Dakila Cua at Genelab CEO Dr Sarah Co, na may layuning pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng early detection services o cancer screening.

Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya, katulad ng SPOT-MAS, nagagawang madetect mula sa isang tao kung mayroon itong nagdedevelop na cancer mula sa breast, colon, lung, liver, at stomach.

Inirerekomenda ang cancer screening lalo na sa mga nasa edad 40 pataas na may genetic mutations, o may unhealthy habits tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, at iba pa, upang maagapan at hindi na kumalat o lumala pa.

Facebook Comments