Binuksan na ang kauna-unahang pasilidad ng pagproseso ng kape sa probinsya ng La Union.
Kung saan pinangangasiwaan ito ng Baguionas Farmers and Coffee Growers Association (BFCGA).
Ang 78-metro kuwadradong pasilidad ay pinondohan ng ₱2.9 milyon mula sa Republic Act 7171. Sinimulan ang konstruksyon noong Nobyembre 2024 at natapos noong Mayo 2025. Pormal itong naipasa sa asosasyon noong Setyembre.
Binubuo ang BFCGA ng 33 magsasaka mula sa komunidad ng mga Katutubo na nagtatanim ng Robusta sa humigit-kumulang 30.5 ektarya.
Nakakaani sila ng tinatayang 400 kilo ng green coffee cherries kada taon. Sa tulong ng bagong pasilidad, inaasahang mas mapapahusay ang kita at produksyon ng mga miyembro, na ngayon ay nagsusuplay na ng kape sa ilang establisyemento sa San Juan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ito ng mas malawak na layunin na kilalanin ang La Union bilang pangunahing prodyuser ng kape sa bansa at sa mundo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







