Pinasinayaan sa bayan ng Bagulin, La Union ang kauna-unahang coffee processing facility sa lalawigan.
Katuwang sa proyekto ang lokal na pamahalaan at ang Baguionas Farmers and Coffee Growers Association (BFCGA) upang mapataas ang kalidad ng lokal na kape at matulungan ang mga magsasaka.
Layunin ng pasilidad na isulong ang sustainable farming practices at hikayatin ang kabataan na pumasok sa agri-enterprise.
May sukat itong 78 square meters at nilagyan ng makabagong kagamitan upang mapabuti ang quality control at production efficiency ng coffee beans.
Inaasahang mapalawak ng proyekto ang market access at mapalakas ang kompetitibong posisyon ng lokal na kape ng La Union sa merkado.
Facebook Comments









