Bubuksan na bukas, May 11, ang kauna-unahang laboratory para sa COVID-19 test sa Eastern Visayas region.
Matatagpuan ito sa loob ng compound ng Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City.
Ayon sa local health officials, malaking tulong ang pagbubukas ng laboratory para mapabilis ang pagproseso sa COVID-19 test sa rehiyon.
Nabatid na ipinapadala pa sa Cebu o sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Maynila ang mga swab sample ng mga pasyenteng hinihinalang may COVID-19 kung saan umaabot ng isang linggo o higit pa bago makuha ang resulta.
Samantala, ayon kay Department of Health (DOH) Regional Office Director Minerva Molon, 700 PCR tests kada araw ang kayang maisagawa ng naturang laboratoryo.
Pero dahil kulang pa ng mga test kit sa rehiyon, tanging mga suspected at probable case na inenderso ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit muna ang ite-test oras na mabuksan na ang pasilidad.