Kauna-unahang COVID-19 vaccine na sinubukan sa tao, nagpakita ng magandang resulta

Nagpakita ng magandang resulta ang isinagawang ekperimento ng biotech company na Moderna Inc. sa kanilang COVID-19 vaccine sa 45 katao na positibo sa nasabing sakit.

Ayon sa ulat, ito ang kauna-unahang COVID-19 vaccine na sinubukan sa tao na binuo ng mga mananaliksik sa National Institute of Allergy and Infectious Diseases.

Bunsod nito, magsasagawa ng phase 3 ng clinical trials ng kanilang COVID-19 vaccine ang Moderna Inc. sa Hulyo 27 na gaganapin sa 87 study locations sa U.S..


Inaasahang matatapos ang malawakang clinical trials sa katapusan ng Oktubre pero hindi pa malinaw kung posible bang maging ligtas at epektibo ang nasabing vaccine.

Facebook Comments