KAUNA-UNAHANG DAY CARE CENTER SA PANGASINAN PPO, PORMAL NANG BINUKSAN

Pormal nang binuksan ang kauna-unahang bagong tayong Child Development Center (Day Care) sa loob ng Pangasinan Police Provincial Office nitong Enero.
Inihayag ni PCol. Jeff Fanged, PPO provincial director nitong Huwebes na layunin ng center na ito upang isulong ang pag-unlad ng komunidad at bigyang-diin ang kahalagahan ng early childhood education na matatagpuan sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO) Camp Gov. Antonio U. Sison sa bayan ng Lingayen.
Tanglaw-Lahi 99 Day Care Center ang pangalan nito kung saan isa itong sama-samang pagsisikap sa pagitan ng mga tagapagpatupad ng batas, mga boluntaryo, at mga donor na naglalayong pahusayin ang kapakanan ng komunidad sa pamamagitan ng early childhood education.

Tinataya namang nasa dalawang milyong piso ang halaga ng center na ito na nakolekta sa mga donasyon sa isinagawang Cong. Sandro Marcos Cup Pangasinan Shoot for a Cause at iba pa.
Matatandaan na sinabi pa ni Fanged na ang mga miyembro ng Pangasinan police na nakatalaga sa PPPO na may mga anak ay hindi na kailangang mag-alala kung saan iiwan ang kanilang mga anak kapag nag-report sila sa PPPO o sa kani-kanilang istasyon para sa trabaho.| ifmnews
Facebook Comments