MANILA – Handa na ang Department of Health (DOH) sa kauna-unahan nitong dengue vaccination program sa Abril.Target ng DOH na mabakunahan ang mga grade 4 pupil na nasa siyam (9) hanggang sampung (10) taong gulang sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR); Central Luzon at CALABARZON.Ayon kay Health Secretary Janette Garin, gagawin ang libreng vaccination sa loob ng tatlong buwan para sa unang dose.Sa Oktubre naman ibibigay ang second dose habang sa Abril ng susunod na taon ibibigay ang ikatlong dose para makumpleto ang anti-dengue vaccine cycle.
Facebook Comments