Muling iminungkahi ni Mayor Patrick Caramat sa kanyang ika-100 araw sa panunungkulan ang pagpapatayo ng kauna-unahang dialysis center ng bayan ng Calasiao noong Oktubre 8.
Ayon sa alkalde, magiging libre para sa mga residente ng bayan ang serbisyong ibibigay ng pasilidad, na lalagyan ng 12 hemodialysis machines.
Inaasahan sanang mabubuksan ang pasilidad ngayong Disyembre, ngunit dahil sa epekto ng nagdaang pagbaha, inilipat ang target na pagbubukas sa unang bahagi ng susunod na taon.
Bukod sa bagong dialysis center, 100 nakatatanda rin ang hinatiran ng libreng dental dentures bilang bahagi ng mga programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan.
Noong Hunyo, binigyang-diin ng alkalde sa kanyang unang buwan sa panunungkulan ang kahalagahan ng health services at ang plano nitong magpatayo ng mga specialized clinics sa bayan.
Batay sa case study, kabilang ang kidney failure sa mga pangunahing dahilan ng pagkaka-ospital ng mga residente.









