Ibinida ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naging matagumpay ang kauna-unahang digital hybrid payout sa bansa para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na ginanap noong Oktubre 18, 2024 sa Lubao, Pampanga.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, umabot sa 1,041 na mga benepisyaryo mula sa Lubao, Porac, Floridablanca, Sasmuan, Sta. Rita, at Guagua ang nakatanggap ng tig-P3,000 na tulong pinansyal.
Paliwanag ng Kalihim, ang payout na ito ay bahagi ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DSWD at Landbank of the Philippines, na pinangunahan mismo nito, at Landbank President Lynette V. Ortiz noong Mayo 21, 2024.
Layunin ng hybrid digital payout scheme na mapabilis, gawing ligtas, at mas maayos ang pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo ng AICS.