KAUNA-UNAHANG DISTRICT-WIDE MUSLIM ACTIVITY, IDINAOS SA ALAMINOS CITY

Humigit-kumulang 400 miyembro ng Muslim community mula sa buong Unang Distrito ng Pangasinan ang lumahok sa kauna-unahang District-Wide Iqra: A Celebration of Faith and Voice na ginanap sa Alaminos City Sports Complex.

Tampok sa aktibidad ang iba’t ibang presentasyon at programa na layong palakasin ang pagkakaisa at pakikipag-ugnayan sa loob ng komunidad.

Sa kaniyang mensahe, nagpaabot ng pasasalamat ang pangulo ng Muslim Association of Alaminos City sa lokal na pamahalaan at sa mga katuwang na institusyon sa pagpapatupad ng aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments