KAUNA UNAHANG DRONE COMPETITION SA ALAMINOS CITY, IPINAKITA ANG GANDA NG HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK

Tampok ang natural na ganda ng Hundred Islands na isang mala “bird’s eye view” experience sa kauna-unahang “Hundred Islands National Park AVP Drone Competition”sa Alaminos City ngayong National Tourism Month.

Gamit ang kani-kanilang mga drone equipments, siyam na kalahok ang nagpakita ng kanilang galing sa pagkuha ng mga videos mula sa himpapawid.

Bawat entry ng mga kalahok na ito ay tila nagbibigay ng kwento habang ipinamamalas ang ganda ng bawat isla sa kanilang “aerial story telling.”

Ang Hundred Islands National Park ay isa lamang sa mga natatanging tourist spot sa Pangasinan na siyang binabalik balikan ng mga turista kaya layunin ng patimpalak na ito na lalo pang ipakita sa publiko ang nakamamanghang ganda ng baybayin.

Sa naturang patimpalak, naiuwi ng content creator na Red Border ang kampeonato dahil sa galing ng audio at visual presentation nito.

Sumunod naman ang Julian Taban Films bilang 1st runner up at 2nd runner up naman ang A Adventure.

Sa ngayon, mapapanood na ang mga drone shots na ito sa official Facebook page ng Alaminos City Tourism Office kaya naman maraming netizens na ang nabibighani sa ganda ng bawat isla na kuha mula sa himpapawid. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments