Kauna-unahang Evacuation Center at Bahay Pag-Asa ng Batanes, Pinasinayaan

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang kauna-unahang Evacuation center at Bahay Pag-Asa ng pamahalaang panlalawigan ng Batanes.

Isinagawa ang inagurasyon sa ‘Twin Building’ ng Batanes sa barangay Kayhuvokan na pinakaunang itinayong Logistics Hub cum Evacuation Center at Bahay Pag-Asa cum Home for the Aged.

Ang Logistics Hub cum Evac Center ay magsisilbing pinaka pasilidad para sa Disaster Risk Reduction Management Office and Operations ng provincial government ng Batanes.


Bukod dito, ang Bahay Pag-Asa naman ay magsisilbing ‘Care and Rehabilitation Facility’ para sa mga batang inabandona at inabusong mga kababaihan habang ang Home for the Aged ay para sa mga senior citizens na walang pamilyang mag-aalaga para sa kanila.

Ang nasabing agong tayong establisyimento ay pinondohan ng Office of the Civil Defense sa pangunguna ni Retired Director Dante Balao katuwang si NDRRMC Chair Usec. Ricardo B. Jalad.

Facebook Comments