Sa unang pagkakataon, itinalaga ang isang Filipino-American na si Democratic Assemblyman Rob Bonta bilang bagong attorney general sa California.
Ito ay kinumpirma ng Legislature noong April 23 na sa botong 29-6 ng senado at 62-0 ng assembly.
Maliban sa pagiging kauna-unahang Filipino-American California attorney general, si Bonta rin ang unang Pinoy na nakapasok sa Legislature noong 2012 bilang kinatawan ng mga siyudad ng Oakland, Alameda at San Leandro.
Ipinanganak si Bonta sa Quezon City at kalaunan ay nanirahan sa California kasama ang kanyang pamilya.
Nagtapos siya ng high school sa Oxford University at nakatapos ng law degree sa Yale Law School noong 1998.
Facebook Comments