Upang magbigay ng bagong oportunidad para sa mga lokal na negosyo at mamimili, inilunsad kamakailan ang kauna-unahang Flea Market sa bayan ng Bolinao.
Isinagawa ito sa Centro Square, Don P. Callado St., Concordia sa bayan.
Tampok ang mga murang produkto gaya ng damit, gamit sa bahay, pagkain, accessories, handicraft at marami pang iba.
Nagkaroon din ng tattoo art para sa mga tattoo lovers at binigyang buhay ang lugar ng live performances mula sa lokal na banda sa Pangasinan.
Layunin ng flea market na bigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyante na makilala ang kanilang produkto sa mas malawak na merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments