Kauna-unahang free trade deal ng Pilipinas at Chile, target tapusin ngayong taon

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chilean President Gabriel Boric na pabilisin ang pagsasapinal ng Philippines-Chile Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA).

Oras na makumpleto, ito ang magiging kauna-unahang free trade agreement ng Pilipinas sa Latin Amerika.

Nagkaharap ang dalawang lider sa sidelines ng 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Gyeongju, South Korea, kung saan tinalakay nila ang mga hakbang para palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng malayong distansya.

Parehong naniniwala sina Marcos at Boric na malaking hakbang ang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA) upang mapalawak ang kalakalan ng mga produkto at serbisyo, magbukas ng mas maraming export opportunities, at magdala ng de-kalidad na produkto para sa mga Pilipinong consumer.

Matatandaang nitong Oktubre, nagsilbing host ang Pilipinas sa ikatlong round ng negosasyon para sa kasunduan, na target mapirmahan bago matapos ang taon.

Facebook Comments