Target ng Department of Science and Technology (DOST) na maipalabas sa susunod na taon ang posibleng kauna-unahang gamot kontra sa Dengue.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, nagpapatuloy pa ang mga clinical trial sa mga dengue patients sa bansa.
Bukod naman sa posibleng gamot ay sinuportahan din ng DOST ang isang pag-aaral ukol sa tinatawag na dengue diagnostics kit.
Sa pamamagitan kasi aniya nito ay agad na malalaman kung may dengue ang isang pasyente sa unang araw pa lamang ng kaniyang lagnat.
Facebook Comments