Sa kauna-unahang pagkakataon nagsagawa ng general meeting ang mga kabilang sa Dagupan City Mitigation Commission.
Base sa pagpupulong, iprinesenta ang mga programang makakaiwas sa nararanasang pagbaha maging ang mga proyektong ipinapagawa ng lungsod na may layuning mabawasan ang pagbaha.
Present sa pagpupulong ang mga may kaugnay sa mga proyekto ng lungsod gaya ng mga arkitekto, inhinyero, akademya, department heads, negosyante, government agencies at ang mga bagong kawani ng komisyon.
Samantala, iminungkahi rin sa pulong ang pagsasagawa ng dredging operation projects, upgrading ng mga drainage canals, masterplan ukol sa flood control, mga proyekto para sa Sinucalan River at ipinapanukalang dredging map ng Ilog ng Pantal Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at iba pa.
Ang naturang komisyon ay nabuo at pinagtibay ng kautusang EO No. 14 S. 2023 sa ilalim ng alkalde ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments