Kauna-unahang Halal Tourism and Trade Expo, ilulunsad ng DOT ngayong araw

Ilulunsad ng Department of Tourism (DOT) ang kauna-unahang Halal Tourism and Trade and Expo sa bansa ngayong araw.

Itatampok dito ang mga ipinagmamalaking pagkain at delicacies ng ating mga kapatid na Muslim na ipiprisinta rin ng bansa sa international tourism market.

Gaganapin ang naturang Halal expo sa Quantum Skyview, Upper Ground B, Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City mula ngayong araw, June 14 hanggang June 16, Linggo.


Hinikayat naman ng DOT ang publiko na suportahan at makiisa sa naturang expo upang makita at makilala ang industriya ng Halal sa ating bansa at maging sa ibang panig ng mundo.

Facebook Comments