Manila, Philippines – Nag-aalokang isang kompanya sa Slovenia ng mga makabagong lapida na siguradong gagawinghigh-tech ang mga puntod.
Matatagpuan sa PobrezjeCemetery sa Maribor, Slovenia ang kauna-unahang lapida sa mundo na gawa sa 48pulgadang screen na maaring magpakita ng mga imahe at video.
Nagbubukas lamang angscreen ng lapida kapag na sense nitong may taong nakatayo sa harap ng puntod.
Ayon kay Milan Zorman,isang propesor ng computing sa University of Maribor at nag-imbento ng hi-techtombs, gumagawa na rin sila ng smartphone app na maaring kumonek sa lapida paramas lalong maging interactive ito.
Sa pamamagitan ngsmartphone app ay maaring mapa-kinggan ng mga bumibisita sa puntod ang mgatunog na nagmumula sa video na ipinapakita sa screen.
Nagkakahalaga ng 3,000euros o katumbas ng P158,000 ang bawat hi-tech lapida.
Kauna-unahang hi-tect na lapida, naimbento sa Slovenia
Facebook Comments