KAUNA-UNAHANG INDUSTRIAL PARK SA EASTERN PANGASINAN, BUKAS NA SA MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO

BINALONAN, PANGASINAN – Sa mga naghahanap ng trabaho bukas at tumatanggap na ng mga aplikante ang kauna-unang industrial park sa Eastern Pangasinan na Sumi North Philippines Wiring System Corporation.

Malugod na inihatid sa publiko ni 5th District Representative Ramon Guico III via Facebook ang listahan ng mga trabahong pwedeng pag-applyan ng mga kababayan sa nalalapit na pagbubukas nito.

Inaasahan umanong makapagbibigay ito ng nasa sampung libong (10,000) trabaho with multiplier effect para sa mga Pangasinense.


Para sa mga interesadong aplikante, maaaring ipasa ang inyong mga resume sa tanggapan ng Congressman sa McKinley Street, Poblacion, Binalonan Pangasinan o di naman kaya ay mag-send ng e-mail sa snpw.sm.recruit@sws.com.

Facebook Comments