Kauna-unahang International Conference of Information Commissioners sa bansa, dadaluhan ni PBBM ngayong umaga

Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gaganaping 14th edition ng International Conference of Information Commissioners o ICIC ngayong umaga.

Sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO) gagawin ito ngayong alas-9 ng umaga sa Rizal Hall, Philippine Convention Center o PICC sa lungsod ng Pasay.

Inaasahang dadalo rin sa aktibidad sina PCO Secretary Cheloy Garafil, Senate President Pro Tempore Senator Loren Legarda, ICIC Chair Bianca Lilia Ibarra at Pasay City mayor Imelda Calixto Rubiano.


Nabatid na ang Pilipinas ang unang bansa sa Southeast Asia ang magho-host ng conference na ito matapos ang bansang Mexico noong nakaraang taon at noong taong 2005.

Facebook Comments