KAUNA-UNAHANG INTERNATIONAL LONGBOARD QUALIFYING EVENT, GAGANAPIN SA LA UNION

Gaganapin sa Enero 2026 sa La Union ang kauna-unahang International Longboard Qualifying event ng World Surf League (WSL), isang makasaysayang kompetisyon na magsisilbing direktang daan para makapasok sa 2026 WSL Longboard Tour.

Lalahukan ito ng mga nangungunang longboard surfers mula sa iba’t ibang panig ng mundo, kung saan ang mga magwawagi at makakapasok sa finals ay makakakuha ng wildcard spots patungo sa prestihiyosong tour.

Ayon sa WSL, idinisenyo ang bagong format upang mapalawak ang oportunidad para sa mga longboarder sa iba’t ibang rehiyon.

Ang La Union, na kilala sa malakas na surf culture at perpektong alon para sa longboarding, ang napiling venue para sa unang pagdaraos ng qualifying event.

Dahil bukas ang field at mataas ang nakataya, inaasahang ito ang magiging isa sa may pinakamalaking international roster sa kasaysayan ng WSL longboard events.

Facebook Comments