Kauna-unahang joint talks ng Pilipinas, US, Japan at Australia, inilunsad sa Tokyo

Courtesy: Armed Forces of the Philippines Facebook page

Nagsagawa ng kauna-unahang joint service staff talks ang military officials ng Pilipinas, United States, Japan at Australia.

Inilunsad ito mula November 28 hanggang December 1 sa Tokyo.

Sa isang pahayag, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na layon ng pulong na palalimin pa ang talakayan sa pagtataguyod ng rules-based international order.


Samantala, kasama sa joint talks sina:

 AFP Assistant Deputy Chief of Staff for Plans, AJ5 Brig. Gen. Rommel Cordova
 US Indo-Pacific Command’s Director for Strategic Planning and Policy Major General Jay Bargeron
 Japan Self-Defense Forces’ Major Gen. Nobutaka Minamikawa
 Australian Defense Forces’ Deputy Chief Joint Operations AVM Mike Kitcher

Noong June 3 nang magsagawa rin ang Pilipinas, Japan, US at Australia ng ministerial meeting sa Singapore.

Facebook Comments